Miyerkules, Marso 15, 2017

Guhit

Iguguhit ko lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin sayo

Iguguhit ko bawat ngiti mo na nakatatak sa utak ko

Iguguhit ko lahat ng masasayang araw noong meron pang tayo

Iguguhit ko ang malulungkot na pinagdaanan bago tayo sumuko
Iguguhit ko bawat halik

Iguguhit ko bawat paghawak mo ng aking kamay

Iguguhit ko bawat yakap dahil sa pagkasabik
m
Iguguhit  ko bawat pusong di mapalagay
Iguguhit ko bawat awit na inawit 

Iguguhit ko bawat pelikulang nakita

Iguguhit ko bawat anibersyong sumapit

Iguguhit ko bawat detalye ng ating estorya
Iguguhit ko bawat pagtatalo

Iguguhit ko bawat tampuhan

Iguguhit ko bawat natanggap na payo

Iguguhit ko bawat bagay na pinagselosan

Iguguhit ko kung san tayo naging malabo

Iguguhit ko kung san oras natiy di mapagsabay
Iguguhit ko kung san tayo tuluyang sumuko

Iguguhit ko kung san tayo tuluyang naghilaway
Iguguhit ko bawat pangakong napako

Iguguhit ko ang mga araw na tila tayo ay walang ka alam alam
Na ikaw at ako ay tuluyan ng nagbago 

At Iguguhit ko ang huli nating paalam
Iguguhit ko lahat ng alaala

Umaasang sa bawat linya,

Sa bawat kulay na aking ipininta
Sa bawat pagdapo ng lapis at sa bawat permanenteng tinta

Ay unti unting mabura
Ang memorya mong nakatatak sa isip at kaluluwa

Na tila mas malinaw pa
Sa dahilan kung ano nga ba ang nangyari sa ating dalawa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento